Lunes, Abril 25, 2011

LASO

nasaan na nga ba tayo? sinubukan kong tanungin ang hangin, malamig na simoy ang tugon nito. lakad. lakad. nakita ko ang isang bulaklak, nasaan na nga ba tayo? ngunit lantang halimuyak ang sagot nito. lakad. lakad. konting lakad pa. ang ilog. tinanong ko ang ilog. nasaan na nga ba tayo? pero tanging ragasa ng tubig ang ibinalik nito. lakad. lakad. hanggang saan pa ba?

sa wakas, may nakita akong tao na aking matatanong. tiningnan niya lamang ako, tingin na waring di niya naintindihan ang sinabi ko. lakad. lakad. hanggang dito na lang yata. at aking naisip, tanungin ang sarili, nasaan na nga ba tayo? kung hindi ma'y, nasaan na nga ba ako?

ang tangi kong alam, ako'y nasa tuwid na daan kung saan naglalakbay ang mga pangarap, nagmumuni ang mga tanong, naghahanap ng direksyon. at sa panahong magparamdam na ang liwanag ng dilaw na lasong nagbubuklod sa ating lahat, marahil doon ko lamang malalaman ang sagot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento